Miyerkules, Hulyo 11, 2012

" BUHAY "







Bata palang ako naranasan ko ang kalungkutan, kahirapan,ang aking pamilya ay isang mahirap drayber lamang ang  ama ko nabubuhay kami mula sa kita niya sa pamasada kahit hirap na siya ay kinakaya parin niya para sa amin .Nagsimula akong mag-aral mula sa kinder,nagsumikap akong matutong  magbasa at magsulat.




Naging elementarya ako, dito marami akong  naging kaibigan may masungit,may mabait,inintindi ko kung ano ang  kanilang pag-uugali,kasi kanya-kanyang ugali meron ang tao.Pumasok ako sa paaralan, umaraw man at umulan,tiniis ko ang hirap, matuto lamang sa mga turo ng guro,binabaliwala ko ang pang-aasar at panglalait  ng iba kong kaklase.Sa tingin ko hindi dapat manghusga ang isang tao sa kanyang kapwa ksi lahat tayo nilikkha ng panginoon ng pantay-pantay, iba kasi ang batas ng tao sa lupa. Pero hindi hadlang ang mga ito, hanggang natapos ako sa ng apat na taon  sa sekondarya.Kakaiba ang pakiramdam kapag nakapagtapos ng pag-aaral.




Masaya pagsinabi sayo mula sa magulang mo, na makapag-aral ng kolihiyo. Napapnsin ko sa mga kilos nila at istado ng aming pamumuhay ay kaya nila akong paaralin.Kahit minsan naglalasing ang aking ama ay kinaya parin niya para sa amin. Hindi parin  ako nawawalan ng pag-asa, alam ko na habang may buhay may pag-asa kaya nakapag-aral ako ngayon dahil sa pagsisikap ng aking ama. Masaya ako ngayon dahil nakapag-aral ako.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento